-- Advertisements --

Handang maghintay ang Philippine Football Federation (PPF) sa naturalization ng Spanish striker na si Bienvenido Marañon.

Kasunod ito sa pag-apruba na naturalization ng basketball player na si Ange Kouame.

Sinabi ni Nonong Araneta ang pangulo ng PPF, dahil sa COVID-19 pandemic ay nagkakaroon ng pagkaantala ng ilang mga dokumento ni Marañon.

Inaasahan kasing mahabol ang naturalization ni Marañon para ito ay agad na maisabak sa paglaban ng Philippine Azkals sa FIFA World Cup at AFC Asian Cup qualifers na magsisimula sa Hunyo 3.

Naipasa na sa third at final reading ang mga papeles ni Marañon sa Senado noong Marso at hinihintay na lamang ang pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasalukuyang naglalaro kasi ang 34-anyos na si Marañon sa United City FC sa Pilipinas at siya ang nangungunang scorer.