-- Advertisements --
Susuriin muli ng Philippine Genome Center (PGC) ang mga samples na nasa kanilang laboratoryo para matiyak na hindi pa dumarating ang Omicron variant ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni PGC executive director Dr. Cynthia Saloma na sa 18,000 na samples na nasa kanilang opisina ay wala pa silang nakitang isang uri ng Omicron.
Mahalaga aniya na magsagawa ng retest sa mga samples mula sa mga nagpositibo sa COVID-19 na nanggaling sa ibang bansa.
Pagtitiyak din ni Dr. Eva Cutiongco ng National Institute of Health na wala pang nade-detect na Omicron sa mga samples na natanggap nila sa kanilang laboratoryo.