-- Advertisements --
Hindi muna tatanggap ang Philippine Heart Center ng mga bisita o dalawa ng mga nasa loob ng pagamutan.
Sa inilabas na abiso ng pagamutan, ipinapairal nila ito dahil sa muling pagtaas ng COVID-19 infections sa bansa.
Isa aniya itong hakbang bilang pag-iingat na madapuan ng COVID-19 ang pasyente o kanilang mga healthcare workers sa loob ng pagamutan.
Lahat aniya ng mga pasyente na kanilang naa-admit sa pagamutan ay sumasailalim sa COVID-19 testing.