-- Advertisements --

isla1

Kaisa ang Joint Task Force Tawi-Tawi at 2nd Marine Brigade sa programa ng pamahalaan ang ” Bayanihan, Bakunahan” kung saan ang militar ang nag facilitate sa pagbiyahe ng Covid-19 vaccine at iba pang mga medical paraphernalia sa pinaka malayong lugar sa probinsiya ang Mapun at Turtle island.


Ang mga nasabing bakuna ay mula sa Integrated Provincial Health Office, Datu Halun General Hospital.

Ayon kay JTF Tawi-Tawi at 2nd Marine Brigade Commander Col. Romeo Racadio, ang barko ng Philippine Navy ang BRP Juan Magluyan ang inatasan na magdala sa mga vaccine supply.

Ito ay bahagi ng programa ng pamahalaan ang 3 day mass vaccination para sa general public.

Bukod sa mga bakuna at ilang mga gamit medikal, kasama din sa biyahe ang ilang doktor at health workers ng probinsiya sa pangunguna ni Dr. Sharifa Pescadera.

Bitbit ng grupo ang Sinovac at Astrazeneca vaccines na itinurok sa mga residente ng dalawang island municipality.

Ang mga tropa naman mula sa MBLT-12 ang nagbigay seguridad sa mga health workers.

isla2

Sinabi ni Racadio, naging matagumpay ang isinagawang pagbabakuna sa nasabing isla.

Dagdag pa ng opisyal,bukod sa misyon na pag transport ng mga bakuna, nagsagawa din ng maritme patrol ang BRP Juan Magluyan bilang suporta sa JTF tawi-Tawi Territorial Defene Operation.

” This only shows that the role of the JFTTT/NTGTT/2MBDE in the province of Tawi-Tawi is not only addressing the internal security and territorial defense but also conducting humanitarian and disaster relief operation together with the local government units and agencies,” pahayag ni Col . Racadio.