-- Advertisements --

Walang balakin ang pamunuan ng Philippine Marines na gawing malaking unit ang kanilang organisasyon.

Bagamat welcome sa kanila ang proposed bills nina House Speaker Pantaleon Alvarez at Sen. Juan Edgardo Angara na ihiwalay na ang Philippine Marines sa Philippine Navy at gawin itong separte major service unit ng Armed Forces of the Philippine.

Paliwanag ni Parreno na wala din silang balak na mag compete sa iba pang malaking unit gaya ng Philippine Navy, Philippine Army at Philippine Air Force (PAF).

Sinabi ni Parreno na ang Philippine Marines ay binubuo ng 7,500-strong unit sa ilalim ng Philippine Navy.
Aniya, prayoridad ngayon niya na punuin ang mga batalyon ng Marines na nangangailangan ng dagdag na sundalo.

‘We do not intend to be a big unit and we dont intend to compete for resources from any other branch of service,” mensahe ni Parreno.