Mahaharap sa matinding hamon ang Philippine men’s football team para sa AFC Asian Cup Saudi Arabia 2027 Qualfiers sa susunod na taon.
Sa isinagawang draw nitong araw ng Lunes sa AFC House sa Kuala Lumpur, Malaysia ay nahanay ang Pilipinas sa Tajiksitan, Maldives at Timor-Leste para sa third at final round ng qualifiers na sisimulang lalaruin sa Marso 2025.
Unang makakaharap nila ang Maldives sa Marso 26 at Nobyembre 18, 2025 na susundan ng Tajikistan sa Hunyo 10, 2025 at Marso 31, 2026 at Timor Leste sa Oktubre 9 at 14 , 2025.
Ang Grupo B naman ay binubuo ng Lebanon, Yemen, Bhutan at Brunei Darussalam habang ang Group C ay binubuo ng India, Hong Kong, Singapore at Bangladesh at ang Group D naman ay binubuo ng Thailand, Turkmenistan, Chinese Taipei at Sri Lanka.