-- Advertisements --

Magsasagawa ng bubblie training ang Philippine national volley teams sa Ilocos Norte.

Sinabi ni Ilocos Norter Governor Matthew Manotoc na nagkausap na sila ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon Suzara at tinalakay ang nasabing plano.

Ang nasabing pagsasanay ay bilang paghahanda ng men’s and women’s volley team ng bansa sa mga torneo ngayong taon kasama na ang Asian Championship.

Gaganapin ang training sa Saud Beach sa Pagudpod na magsisimula sa Hunyo 15.

Isa ring lugar kung saan isasagawa ang training ay sa Centennial Arena sa Laoag.

Sasabak kasi ang Philippine team sa Asian Senior Women’s Championship sa darating na Agosto 29 hanggang Setyembre 5 sa Pampanga at sa Asian Senior Men’s Championships mula Setyembre 12-19 sa Chiba, Japan.