Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang head ng procuring entity (HOPE) na kaniya ng pinirmahan ang notice of award for para sa Philippine Navy Shore-Based Anti-Ship Missile Acquisition Project.
Ayon kay Sec Lorenzana, ang nasabing proyekto ay na conceptualized noong taong 2017 at inaprubahan ng Office of the President para mapabilang ito sa Horizon 2 Priority Projects noong 2020.
Ang nasabing shore-based anti-missile ship project ay gawa ng BrahMos Aerospace Private Ltd., ng India na nagkakahalaga ng $375 million.
Sinabi ni Lorenzana na nag-negotiate ang Phil. government sa gobyerno ng India para mapasama sa delivery ang tatlong batteries, training for operators and maintainers at mga necessary Integrated Logistics Support (ILS) package.
Ang Coastal Defense Regiment ng Philippine Marines ang siyang hahawak at mag-o-operate nitong modern strategic defense capability ng Armed Forces of the Philippines.
Naniniwala ang kalihim na malaking booster ang dagdag na kagamitan ng Philippine Navy para maprotektahan ang teritoryo ng bansa.
Ikinatuwa naman ng mga tauhan ng Philippine Navy lalo na ang Philippine Marines ang dagdag na mga makabagong kagamitan.
Una ng sinabi ng Philippine Navy na ang BrahMos missile ang siyang ideal weapon para sa kanilang shore-based anti-ship missile project.
Ang BrahMos cruise missile ay maaaring i-launche sa pamamagitan ng barko, aircraft, submarine, o sa kalupaan at may kakayahan na magdala ng warheads na may bigat na 200 hanggang 300 kilograms.
Ang missile ay mayroong flight range hanggang 290 kilometers with supersonic speed ayon sa BrahMos.