-- Advertisements --

Kinumpirma ni AFP acting spokesperson Marine Col. Edgard Arevalo na epektibo ngayong araw ang pag-relieve sa pwesto kay Philippine Navy Flag-Officer-in-Command (FOIC) Vice Admiral Ronald Joseph Mercado.

Sinabi ni Arevalo na pinatupad lamang ni AFP chief of staff General Rey Leonardo Guerrero ang instructions mula sa higher authorities.

Si Mercado ay itatalaga muna sa office of the chief of staff sa AFP headquarters para sa isang special duties.

Agad namang hinirang bilang acting Flag-Officer-in-Command sa Philippine Navy ay si Rear Admiral Robert Empedrad.

Hindi naman sinabi ni Arevalo ang dahilan sa pagkakasibak sa pwesto kay Mercado.

Samantala, kinumpirma na rin ng Philippine Navy spokesman na si Capt. Lued Lincuna  na kaninang umaga isinagawa ang turn over ceremony.

Sinabi ni Lincuna na hindi rin nito batid ang dahilan ng kaniyang pagkakatanggal sa pwesto ni Mercado na magreretiro na sana sa sunod na taon.

“As a professional organization we will support the newly installed Acting FOIC,PN. Going forward, the Philippine Navy must and will continue to perform our constitutional mandate as the protector of the people and the state,” pahayag ni Lincuna.