Ibinyahe na ng barko ng Philippine Navy landing craft heavy, ang BRP Ivatan (LC298) ang nasa 35,481 tons ng mga cargoes kabilang ang nasa 1,897 PhilSys registration kits na ipamamahagi sa walong probinsiya sa Visayas gaya ng Cebu, Bohol, Iloilo, Antique, Capiz, Negros Oriental, Negros Occidental at Leyte.
Si Cdr Paul Anthony Yamamoto ang kapitan ng BRP Ivatan (LC298), umalis kahapon sa Sangley Point, Cavite ang barko patungong Visayas.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lt.Comdr Maria Christina Roxas ang pagbiyahe ng barko ng Phil Navy ay bahagi ng logistics support ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa National Economic Development Authority (NEDA) at Philippine Statistics Authority (PSA) gamit ang sea, air and land assets nito para maipamahagi ang PhilSys registration kits sa 32 PSA provincial offices sa buong bansa.
Ang Philippine Army ang nakatoka sa pamamahagi ng PhilSys registration kits sa Luzon, sa Visayas naman ang Philippine Navy at ang Philippine Air Force ay sa Mindanao.
Hiniling kasi ng NEDA ang tulong ng AFP para sa distribution ng mga registration kits dahil hirap silang maideliver ang mga ito lalo na at nasa pandemya pa rin ang bansa.