Planong mag-recruit at magdeploy ng 120 maritime CAFGU Active Auxilliaries (CAAs) ang Phil Navy sa bahagi ng West Phil Sea para palakasin pa ang presensiya nito sa tinaguriang disputed islands.
Ayon kay Phil Navy Flag officer in Command plano nilang mag recruit ng dalawang companies bawat naval forces sa buong bansa.
Nilinaw naman ni Bacordo na ang principle sa likod ng maritime militia ay kapareho ng CAA ng Philippine Army ma nagsisilbing territorial forces.
Ang maritime CAA ay magbabantay sa mga territorial waters ng bansa.
Binigyang-diin ni Bacordo na hindi ito ang kauna unaha na bubuo ng maritime CAA ang Phil Navy.
Aniya nuong 2014 bumuo sila ng CAA sa Naval Forces Western Mindanao.
Giit naman ng navy chief na sa sandaling maging established na ang maritime CAA sila ay magsisilbing solid and steady force sa West Phl Sea dahil hindi naman permanente ang presensiya ng Navy at Phil Coast Guard vessels sa nasabing lugar para magpatrulya.
Dagdag pa ni Bacordo, malaking rulong sa ISR operations (intelligence, surveillance at reconnaissance mission) ng Phil Navy ang presensiya ng maritime militias at maging sa humanitarian assistance and disaster relief operations.
Ayon kay Bacordo ang maritime CAA ng Phil Navy ang tatapat sa mga Chinese militias at magbibigay seguridad sa mga Pilipinong mangingisda.
Dahil sa pagiging agresibo ng China sa disputed islands ,nagdeploy din ito ng mga Chinese militias para mambully ng mga banyagang barko na dumadaan sa nasabing rehiyon.