Makiisa ang Philippine Navy (PN) sa ikalawang bahagi ng ASEAN-Plus Defense Minister’s Meeting-Plus Combined Maritime Exercise na gaganapin sa bansang Singapore.
Ang unang phase ng combined maritime exercise ay isinagawa sa South Korea kung saan nagkaroon ng ibat-ibang confidence building activities ang mga kalahok na bansa.
Ayon kay Naval Task Group 80.6 Commander Capt. Roy Vincent Trinidad, malaking tulong sa kanilang hanay ang makiisa sa joint maritime exercises sa kanilang mga foreign counterparts dahil marami silang natututunan.
Kabilang sa mga bansa na makikiisa sa ikalawang bahagi ng Combined Maritime Exercises sa Singapore ay ang Brunei, China, India, Malaysia, Republic of Korea at Philippines.
Inaasahan din makilahok ang ibang bansa gaya ng Australia, Japan, Thailand at Vietnam.
Ang Philippine Navy Frigate ang BRP Andres Bonifacio ang siyang lalahok sa maritime exercises.
“The Philippine Navy, once again achieved its objective by participating in this maritime exercise. We are really looking to step up in this multinational arena and know that we can be at par with our counterparts,” pahayag ni Capt. Trinidad.
-- Advertisements --