-- Advertisements --
image 395

Idineploy na ng Philippine Navy ang BRP Antonio Luna, na magiging bahagi ng ASEAN-India Maritime Exercise(AIME) 2023 na isasagawa sa Singapore.

Ang contingent ng bansa ay binubuo ng 140 personnel ng Phil Navy na tinawag na Naval task Group 80.5. Maliban sa Antonio Luna na isang Missile frigate, isinama rin ng grupo ang isang AW-109 Naval Helicopter

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Navy na si Captain Benjo Negranza, isasagawa ang AIME mula Mayo-2 hanggang Mayo-8.

Kabilang sa mga nakahanay na gagawin ng grupo ay ang harbor at sea defense, interoperability, at pagpapalitan ng best practices ng mga kalahok na bansa.

Umaasa ang Phil Navy na sa pamamagitan nito ay malilinang pa lalo ang kakayahan ng mga tauhan nito sa ibat ibang Naval tactics.

Sa pamamagitan nito, inaasahan din ng Navy na magiging mas bihasa ang mga navy personnel sa iba pang modernong kagamitan ng Navy, na wala dito sa Pilipinas.

Maliban sa Pilipinas at India, inaasahang dadalo dito ang mga Naval Forces mula sa mga ASEAN countries.