Nakilahok ang Philippine Navy sa pamamagitan ng Naval Forces West sa taunang Southeast Asia Cooperation and training (SEACAT) 2021 naval exercise.
Kalahok sa ehersisyo ang bagong frigate ng Philippine Navy na BRP Antonio Luna, patrol craft BRP Nestor Reinoso, Augusta Westland 109 helicopter, at Islander aircraft.
Ang exercise scenario para sa Philippine Navy ay isinagawa nitong nakalipas na Agosto 15 at 17 simula sa hilagang karagatan ng Palawan, pababa sa silangang dalampasigan ng Puerto Princesa sa Sulu sea.
Dito nasubukan ang air, surface at ground communication ng Navy; ang kakayahan ng Navy at Philippine Coast Guard sa surface tracking, aerial surveillance, coastal radar, at automatic identification system (AIS); at interoperability sa surveillance aircraft ng mga kaalyadong pwersa tulad ng P-8 Poseidon ng U.S. Navy.
Nagampanan ng Philippine Navy ang kanilang misyon na masubukan at mapahusay ang kanilang kapabilidad at mapanatili ang magandang kooperasyon sa mga ibang regional navy.
Ang Southeast Asia Cooperation and Training (SEACAT) 2021 ay pormal na magtatapos ngayong araw.