Nalalapit na ang pag-take over ng Philippine Navy sa mga natitirang bahagi ng Hanjin shipyard sa Subic Bay.
Ayon kay outgoing Flag Officer-in-Command Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo na pumirma na ang Philippine Navy noong Mayo 31 ng term sheet para sa 100 ektarya ng hilagang bahagi ng shipyard.
Magpapatuloy aniya ang negosasyon ng gobyerno at ang Cerberus Group kung saan ang susunod na hakbang ay ang pagpirma na ng terms of reference.
Lahat ng mga detalye gaya ng terms of payments ang pagtira ng Navy, kung hanggang kailan at iba pa ay nakasaad sa terms of reference.
Kapag wala ng magiging aberya ay doon na ilalagay ng Philippine Navy ang kanilang mga barko na itinakda sa para sa mga malalaking uri ng barko.
Magugunitang noong 2019 ay naghain ng bankruptcy ang South Korean operator na Hanjin na makikita sa Subic Bay ang dating US military base ng hanggang 1992.