-- Advertisements --

3turkey

Palalakasin pa ng Philippine Navy ang kanilang strategic partnership sa kanilang Turkish counterpart.

Bumisita at nag courtesy call si Philippine Navy (PN) Flag Officer In Command, Vice Adm. Giovanni Carlo Bacordo sa kaniyang Turkish counterpart na si Admiral Adnan Özbal, commander ng Turkey’s Naval Forces ng magtungo ito sa Republic of Turkey nuong April 12,2021.

Kapwa nagpahayag ang dalawang navy chiefs ng kanilang intensiyon na palakasin ang bilateral relations para magkaroon ng mga oportunidad ang dalawang bansa na magsagawa ng joint Phl-Turkey naval exercises, maritime security collaboration, at personnel exchanges gaya ng training at pagsasagawa ng online seminars.

Magiging posible lamang ito kung magkakaroon na ng kasunduan ang dalawang bansa sa defense cooperation.

Kasama din ni Bacordo na nagtungo sa bansang Turkey ang kaniyang mga opisyal sina Fleet Deputy Commander, Commo Renato David, Offshore Combat Force Commander, Commo Joe Anthony Orbe, Submarine Group Commander, Navy Capt Edwin Nera, Naval Shipyard Commander, Navy Capt Nestor Galindo at Director ng PN Modernization Office, Capt Emerson David.

Nagtungo din ang Phl Navy delegation sa Turkish Fleet Command headquarters sa Istanbul Naval Shipyard and Gölcük Naval Shipyard para tunghayan ang shipbuilding capabilities at iba pang competencies ng Turkish navy.

Ang pagbisita nina Bacordo sa ASFAT facilities, na isang state-owned defense contractor na direktang nasa ilalim ng Ministry of Defense of Turkey.

Nagpahayag din ng kahandaan ang Turkey na tumulong sa Phl Navy na mag bigay ng mga technological solutions para sa magiging requirements ng Philippine Navy para sa nagpapatuloy na modernization efforts nito.