Nakahanda nang umalalay ang Humanitarian Relief and Disaster Response Team ng Philippine Army sa mga lugar na apektado ng bagyong Kristine.
Sa Luzon area, kinabibilangan ito ng 5th Infantry Division ng Phil Army na may area of operation sa Northern Luzon, 7th Infantry Division na may sakop sa Southern at Central Luzon, at 9th Infantry Division na may sakop sa Bicol Region.
Sa Visayas, tumutulong na rin ang mga sundalo ng 8th Infantry Division sa mga apektadong residente.
Maliban sa mga sundalo, naka-standby na rin ang mga kagamitan ng mga sundalo na tulad ng mga rubber boats, 6×6 trucks, at iba pang mga land assets.
Sa panig ng Philippine Navy, activated na rin ang mga local units nito para umalalay sa mga rescue at response effort. Sa northeastern seaboard ng Luzon kung saan inaasahang dadaan at tatama ang bagyo, activated na ang Naval Task Force 14 (NTF14).
Ang naturang task force ay binubuo ng mga personnel na may kaalaman sa rescue, search, at retrieval operations, kasama ang sapat at akmang mga kagamitan.