Pinag-aaralan na ngayon ng Philippine Navy kasabay ng pagplano para sa pagbili ng submarine.
Ito ang kinumpirma ni Defense Spokesperson Arsenio Andolong.
Sinabi ni Andolong na mayroon ng “go” signal para sa procurement nito.
Mismo ang Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-apruba nito bilang bahagi ng capability upgrade ng Philippine Navy.
Ang Duterte government lamang aniya ang nagpakita ng political will para mapalakas pa ang capability ng AFP.
Aminado si Andolong na bagamat matatagalan ang procurement ng submarine, magandang senyales ito na may direksiyon na tatahakin ang AFP na kabilang sa kanilang AFP modernization program.
Umaasa naman si Andolong na target nilang mabuo ang kontrata sa loob ng Duterte administration.
“Now the navy begin studying its doctrines and planning its procurement this has never been done before and I think that is significant because it shows the political will of our president he wants to push our armed forces to the forefront,” mensahe ni Andolong.
Una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenza na ang kanilang tinitignan na bansa para maging supplier ng submarine ay Russia o South Korea.
Sa kabilang dako, kinumpirma ni Phil. Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Robert Empedrad na sa susunod na taon nakatakda nang i-deliver ang kanilang biniling dalawang anti-submarine helicopter na nagkakahalaga ng mahigit P5 billion.
Ang anti-submarine aircraft ay binili ng Philippine Navy sa United Kingdom.