-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine Navy (PN) na tutulong sila sa pag rescue sa tatlong Pinoy na dinukot sa bansang Libya sa pakikipag-tulungan sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commander Jonathan Zata, nasa planning stage na ngayon ang Fleet-Marine component kaugnay sa ipapatupad na kaukulang force package para marescue ang bihag ng tatlong Pinoy.

Sinabi ni Zata, inatasan na nila ang kanilang Liason Officer na si Captain Donn Miraflor na kasakuluyang nasa bansang Bahrain na makipag-ugnayan kay Mr Boy Melicor, ang Charge d’Affairs sa Tripoli, Libya.

Dagdag pa ng opisyal na may ginagawa ring “effort” ang Libyan authorities para marescue ang tatlong Pinoy at isang South Korean.

Una ng sinabi ng Pang. Rodrigo Duterte na kaniyang ipapadala ang Frigate ng Philippine Navy.

Habang ang South Korean government ay nagpadala na ng kanilang warship sa Libya.