-- Advertisements --

Magbabawas ang Philippine Red Cross (PRC) ng presyo ng kanilang mga RT-PCR test para sa swab at saliva test.

Simula sa Setyembre 4, 2021 ay mayroong 25 percent ang bawas ng presyo ng mga RT-PCR test.

Nangangahulugan ito na magiging P2,800 na ang bagong presyo ng swab test mula sa dating P3,000 habang magiging P1,500 na ang presyo ng saliva test mula sa dating P2,000.

Sinabi naman ni PRC chair at Senator Richard ‘Dick’ Gordon na ang pagbaba ng presyo ay para makatulong sa mga mamamayan.

Dahil dito ay umaasa siya na mas marami na ang maite-test.

Bago ito ay nag-utos din ang DOH na simula sa Lunes, Sept. 6 ay may bagong price cap sa RT-PCR test at sa antigen test.