Opisyal na ipinasakamay ng Philippine Red Cross (PRC) sa Philippine Coast Guard (PCG) ang donasyon nilang humanitarian vessel na MV PRC Amazing Grace.
Isinagawa ang turn-over ceremony sa Coast Guard Fleet Parade Ground sa Pier 13 , South Harbor, Manila.
Sinabi ni PRC Chairman Richard Gordon natitiyak niyang mapapangasiwaan ito ng mabuti ng PCG ang nasabing sasakyang pandagat.
Malaking tulong ito sa PCG lalo na tuwing mayroong mga kalamidad na kanilang rerespondihan ganun ay maaring magamit sa pagdala ng mga pagkain sa ilang mga malalayong lugar.
Ang 195 talampakan na barko ay unang tinawag na MV Susitna na ito ay nabili ng PRC noong 2017.
Nagamit ito ng PRC sa medical deployment, sea rescue at mass evacuation noong dumaan ang bagyong Rolly sa bansa sa taong 2020.
Pinasalamatan naman ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang PRC dahil sa bagong barko na kanilang natanggap na magagamit sa pagprotekta sa teritoryo ng bansa.