Nilinaw ng Philippine Red Cross (PRC) na hindi sila magbebenta ng COVID-19 vaccine na gawa ng Moderna.
Sinabi ni PRC Governor Maria Carissa Coscolluela na hindi sila nagnenegosyo at nagbebenta ng mga bakuna.
Tanging mga Red Cross members at donors lang ang maaaring makabili sa halagang $26.83 o katumbas ng mahigit P1,300 bawat dose.
Nauna ng sinabi ni Senator at PRC chair Richard Gordon na darating sa bansa ang 200,000 doses mula sa US pharmaceutical giants sa susunod na buwan at hindi na dapat hintayin ang bakuna mula sa gobyerno.
Kailangan lamang daw na magbayad lamang ng nasa P3,500 para sa dalawang doses na ng bakuna.
Paliwanag pa ni Coscolluela na hindi talaga sinabi ni Gordon na sila ay nagbebenta ng bakuna at nais lamang nito iparating na dapat mabilis na gumalaw ang gobyerno para mapabilis ang pagpapabakuna.