-- Advertisements --

Nasa Dubai na ang rugby team ng bansa na Philippine Volcanoes bilang paghahanda sa internataional rugby sevens events.

Ito ang unang sabak ng koponan mula noong 2019 Southeast Asian Games dahil sa COVID-19 pandemic.

Kapwa kasi kuwalipikado ang men’s at women’s rugby team ng bansa sa 2021 Asia Sevens Series.

Mula pa kasi noong 2017 ay naging namamayagpag na ang men’s rugby team habang ang women’s rugby team naman ay nakapagtala ng gold medal sa Asia Trophy Series noong 2019.

Ang nasabing torneo ay magiging World Qualifiers kung saan ang dalawang top teams ay makakatiyak na makakalaban sa Rugby World Cup 2022 na gaganapin sa South Africa.

Una ng nakasabak ang men’s Rugby Team sa Rugby World Cup noong 2013 na ginanap ito sa Russia.

Mayroon napiling 24 atleta ang bansa na siyang magrerepresents para sa Rugby World Cup 2022 Asia Qualifiers.