Pinayuhan ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kanilang mga national players na pagtuunan ng pansin ang pagsasanay kaysa makibahagi sa virtual training seminar.
Sinabi ni PTA secretary-general Rocky Samson, nakarating sa kaalaman ng kanilang local taekwondo grand master Sung Chon Hong na inuuna pa ng ilang mga taekwondo athletes ang pagtuturo online.
Ibinunyag pa ni Samson na nagsumite ng kanilang letter of apology at courtesy resignation sina Southeast Asian Games (SEA) gold medalist Samuel Morrison at silver medalist Arven Alcantara matapos na akusahan ng pagsasagawa ng online training session subalit hindi ito tinanggap ng kanilang grand master at pinatawad din ang mga ito.
Ang nasabing online seminar kasi ay pinangunahan ni Sydney Olympics veteran Donnie Geisler na ang layon ay para ma-inspire ang karamihan habang nasa loob ng kanilang mga bahay.
Kabilang kasi sina Morrison at Alcantara sa limang taekwondo players ng bansa na malaki ang tsansa na makalaro sa Tokyo Olympics kasama sina Pauline Lopez, Kurt Bryan Barbosa at 2016 Olympian Kirstie Alora.