-- Advertisements --
Nasa Singapore na ang Philippine water polo team para makibahagi sa FINA Water Polo Challengers Cup 2019.
Ang nasabing torneyo ay bilang paghahanda ng koponan sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games (SEA Games) na gaganapin sa bansa.
Isasagawa ang torneyo mula Oktubre 8 hanggang 13 sa OCBC Aquatic Center.
Ito na ang pangalawang beses na lumahok ang Pilipinas sa paligsahan na ang una ay noong 2008 na ginanap naman sa Kuwait.
Makakaharap ng Pilipinas ang Austria, India, Chinese Taipei, Hong Kong at Indonesia.