-- Advertisements --
Nahanay sa powerhouse Australi ang women’s national football team ng bansa sa group stage ng 2022 AFC Women’s Asian Cup na gaganapin sa India.
Sa isinagawang draw ng FIFA, kabilang ang Pilipinas sa Group B na mayroong ranking na number 11 kasama ang Thailand at Indonesia.
Binubuo naman ang Group A ng bansang India, China, Chinese Taipei at Iran habang ang defending champion na Japan ay kasama ang South Korea, Vietnam at Myanmar sa Group C.
Magugunitang na-sweep ng Filipina footballers ang Asian Cup qualifiers noong nakaraang buwan sa Tashkent, Uzbekistan kung saan tinalo nila ang Hong Kong at Nepal.