PAMPANGA – Nakahanda na ang Philippines wrestling team na sasabak sa kanilang unang laban ngayong araw.
Bago ang naitakdang araw ng kanilang laban SEA Games 2019 puspusan ang ginawang paghahanda ng mga atleta ng Pilipinas sa larangan ng wrestling.
Kung sakaling makapasok sa mga final round target ng Team Philippines na makasungkit ng 10 gintong medalya.
Una nang inihayag ni coach Melchor Tomasis ng Team Philippines na may potential ang kanilang mga atleta na makasungkit ng gintong medalya.
Dahil noong Asian Games pitong medalya ang naiuwi ng Pilipinas at magagaling na atleta mula sa iba’t ibang bansa ang kanilang nakalaban.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Jayson Banaba mula pa sa Tinoc, Ifugao, nais umano niyang muling masungkit ang gold medals.
Si Banaba ay dalawang beses na naging gold medalist sa SEA Games noong 2009 at 2011, hindi na nga lang umano naging tuloy-tuloy ito dahil noong 2015, at 2017 SEA Games ay hindi napasama ang wrestling sa mga ginanap na laro.
Ang wrestling ay gaganapin sa Angeles University Foundation at aasahan na maraming manood na Pinoy para ipakita nila ang kanilang suporta sa mga Pinoy athletes.