-- Advertisements --

Dinomina ng husto ng Philadelphia Sixers ang Toronto Raptors sa kanilang Game 3 sa NBA Eastern Conference semifinals, 116-95.

Mula sa first quarter hanggang sa huling sandali ng laro ay hindi na pinaporma ng 76ers ang karibal na team.

Umabot pa 26 ang kalamangan ng Sixers at hindi man lamang nakahabol ang Raptors.

Bidang bida sa game ang mas malusog ngayon na si Joel Embiid, kumpara sa nakalipas na Game 1 at 2 na halata na may dinaramdam ito.

Hindi rin naging factor kay Embiid ang todong pagbabantay sa kanya ng mas beteranong sentro ang dating Defensive Player of the Year na si Marc Gasol.

Pomoste si Embiid ng 33 points, 10 rebounds, 5 blocks at 3 assists.

Kung tutuusin umiskor pa si Embiid ng 24 points sa 6-for-12 shooting kahit nakaharang sa kanya si Gasol.

Walang kahirap hirap ding naipasok nito ang 3-for-3 sa 3-pointers at 9-for-9 naman mula sa foul line.

Kung ikukumpara sa match up, malayo si Gasol sa performance na nakatipon lamang ng 7 points, 6 rebounds, 2 assists, 2 steals at 2 blocks.

“When I have fun, my game just changes. I’m always told that if I don’t smile during the game, I’m either having a bad game or I’m not into it,” ani Embiid. “So, I know that to get my game going, I got to have fun on the court.”

Puring puri rin ni 76ers head coach Brett Brown ang performance ng kanyang bata na dinagdagan pa ng antics sa court.

“His rim protection stood out to me as much as anything in an incredible performance,” wika pa ni Brown.

Sa isang eksena kasi na nag-windmill dunk si Embiid, sinundan pa niya ito nang pagtakbo sa court na sinabayan nang airplane motion na may halong pangangantiyaw sa mga kalaban. Nakisama naman ang mga fans sa pagsisigaw nang “MVP!”, “MVP”!

Samantala ang standout sa Game 2 na si Jimmy Butler ay meron ding kontribusyon na 22 points.

Sa kabilang dako ang dating NBA finals MVP na si Kawhi Leonard ay nagtala naman ng 33 points pero bigo pa ring makatulong para iangat ang diskarte ng Raptors.

Maging ang Raptors point guard na si Kyle Lowry ay aminadong namemeligro sila kung ganito palagi ang mala-halimaw na laro ng Sixers center.

KAWHI LEONARD 1
Raptors Kawhi Leonard (photo from @Raptors)

Sa darating na Lunes ay gagawin ang Game 4 sa teritoryo muli ng Philadelphia at kung mamayani sila ay isang panalo na lamang para sa kauna-unahang appearance na mangyayari sa conference finals sa loob ng 18 taon ng kanilang prangkisa.