LEGAZPI CITY – Nag-alok ng reward money ang alkalde ng Philadelphia sa Estados Unidos para pagkaka aresto sa suspek sa fatal shooting na nangyari noong weekend.
Ito matapos ang isinagawang meeting ni Philippine Consul General Elmer Cato kay Philadelphia Mayor Jim Kenney at iba pang police officials sa nangyaring pamamaril-patay sa Filipino lawyer na si John Albert “Jal” Laylo, 35-anyos.
Sa ulat ni Bombo International News Correspondent USA Marlon Pecson, humingi rin ng paumanhin si Kenney sa nangyari at nagbigay ng $20, 000 na reward money para sa mabilis na pagkaka aresto sa suspek sa insidente.
Siniguro rin nito ang pagpapabilis ng proseso upang mai-uwi ang bangkay ni Laylo sa Pilipinas.
Maaalala na patungo na sana sa airport si Jal kasama ang ina matapos ang pagbisita nito sa Amerika ng pagbabarilin ang sasakyang sinasakyan nito.
Natabid na nagtapos sa De La Salle University College of Law noong 2014 si Laylo at nagtrabaho sa ilang mga private and public sector legal jobs, ay kasakuluyang legal manager sa private company sa Taguig habang nakatrabaho na rin ng ilang mga political leaders kabilang na si Sen. Leila de Lima.