-- Advertisements --
PHILHARMONIC
PhilHarmonic Orchestra/ FB post

Nakatakdang magtanghal ang Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.

Isasagawa ang pagtanghal ng Philharmonic Orchestra sa labas ng plenary ng House of Represetantive sa Quezon City.

Ilan sa mga inaasahan kakantahin ng PPO ay ang “Lupang Hinirang” , presidential anthem na “Mabuhay” at ang kanta ni Freddie Aguilar na “Para sa Tunay na Pagbabago”.

Ito ang unang pagkakataon na mayroong orchestra ang makikibahagi sa SONA mula pa noong nagsimula ito sa taong 1935 sa ilalim ni President Manuel Quezon.

Binuo ang Philharmonic Orchestra noong May 1973.