-- Advertisements --

Nakatakdang magpulong sa Disyembre-14 ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) board para pag-usapan ang pagpapalawak ng coverage sa mga sakit at benefit package.

Pangunahin dito ay ang pag-angat ng mula 10% hanggang 30% sa lahat ng coverage o mga uri ng sakit na sinasaklaw.

Ito ang kinumpirma ni PhilHealth president at chief executive officer Emmanuel Ledesma Jr. kung saan una na rin aniyang nagbigay ng go-signal ang executive committee ng Philhealth.

Tanging ang desisyon na lamang aniya ng Philhealth board ang kailangan para rito.

Ang Philhealth board ay binubuo ng 11 members.

Ito ay pinapangunahan ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa bilang chairman.

Nagsisilbi naman bilang mga miyembro sina Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, Labor Secretary Bienvenido Laguesma, Finance Secretary Benjamin Diokno at Budget Secretary Amenah Pangandaman.