Iniulat ng isang opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. na ang pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro nito simula sa susunod na taon ay gagamitin sa pagpapalawak ng primary care benefit package ng ahensya.
Sinabi ni PhilHealth corporate communications senior manager Rey Balena, kabilang sa mga uunahin sa pagsasaayos sa mga kontribusyon ay ang ‘Konsulta Benefit Package.’
Ito ay base sa kanilang plano na benefit plan para sa taong 2023.
Ang Konsulta aniya ay ang kanilang pinalawak na primary care benefit package kung saan ang bawat Pilipino ay dapat magtalaga ng isang akreditadong Konsulta provider na titingnan at aasikasuhin ang kanilang mga pangangailangan sa kalusugan sa pamamagitan ng konsultasyon.
Ipinahayag din niya na para sa susunod na taon, dodoblehin nila ang target na coverage ng populasyon para sa Konsulta na nagsasabing “kalahati ng populasyon ay dapat na italaga sa mga Konsulta provider at gagamitin ang kontribusyon nito.