-- Advertisements --

Ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Sec. Francisco Duque III at mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kasunod ng mahigit P100 billion “ghost” dialysis payment claims.

Napag-alamang pinagbibitiw na umano ni Pangulong Duterte ang mga miyembro ng PhilHealth board.

Sinabi ni Sec. Duque, kabilang sa pag-uusapan nila ni Pangulong Duterte ang pagbalasa sa mga opisyal ng government health insurance dahil sa kontrobersya.

Ayon kay Sec. Duque, nakatakdang magpresenta rin ng plano ang PhilHealth para maiwasan ang ganitong maanomalyang claims at matiyak na nagagamit ang pondo sa nangangailangang pasyente.

Una nang ipinagtanggol ni Pangulong Duterte ang pinuno ng PhilHealth na si Roy Ferrer at uunahin daw panagutin ang may-ari ng WellMed Dialysis Center na sangkot sa maanomalyang PhilHealth claims.