-- Advertisements --

Pinawi ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pangamba ng mga miyembro nito na hindi na sila makakakuha ng health benefits.

Ito ay matapos na magdesisyon ang Bicameral Conference Committee na hindi isama ang ahensiya sa subsidiya ng gobyerno para sa 2025.

Ayon kay PHILHEALTH President/ CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr., na nananatiling matatag ang financial status ng ahensiya.

Nitong Oktubre lamang kasi ay mayroong reserves na P281 bilyon at surplus funds na nagkakahalaga ng P150-B.

Aabot na rin sa P489 bilyon ang agencys investment portfolio ng ahensiya nitong Nobyembre.

Tiniyak ni Ledesma na kahit walang suporta ang gobyerno ay hindi mapuputol ang kanilang operasyon.