Hinihikayat ngayon ng Philippine Health Insurance Corporation ( PHILHEALTH) ang mga pasyente na infected ng Human Immunodeficiency Virus ( HIV) na mag avail ng outpatient treatment sa mga hospital.
Sa isang pahayag sinabi ni Philhealth acting president at Chief Executive officer na si Emmanuel Ledesma Jr. na ang Philhealth Outpatient HIV / AIDS package ay magbibigay ng 30,000 kada taon o 7,500 kada quarter para sa mga pasyente na mag aavail ng naturang treatment.
Ito at bahagi pa rin ng Philhealths Sustainable Development Goal o SDG.
Ayon kay Ledesma, sakop nito ang mga bayarin sa gamot, laboratory examination, at professional fees ng mga HIV/AIDS -related case providers.
Dagdag pa ng opisyal na binayaran na ng kanilang ahensya ang mahigit 15,000 na claims galing sa mga HIV Treatment facilities o katumbas yan ng 0.11 na porsyento sa kabuuang claim na aabot na sa P108,463, 468 noong nakaraang taon.
Ipinaalala rin ni Ledesma na bagamat sakop ng Philhealth ang mga bayarin sa HIV/AIDS mas mainam pa rin aniya na maging maingat dahil hanggang sa ngayon ay wala paring lunas ang naturang sakit.