-- Advertisements --
Iimbestigahan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang ilang reklamo ng “upcasing” o pagpapalala ng sakit para mas malaki ang makukuhang benefit claims.
Ayon sa PhilHealth, nakatanggap sila ng nasa 900 na reklamo ng upacasing sa simula pa lamang ng 2021.
Mayroong mahigit 2,000 na reklamo ang kanilang natanggap din noong nakaraang taon.
Sinabi ni PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Dr. Shirley Domingo, nadiskubre lamang ang nasabing reklamo sa noong ipinoproseso na ang mga claims.
Iniimbestigahan din nila ang mga “ghost claims” kung saan may mga ulat din ng pekeng hospital confinement.
Hinikayat din nito ang pasyente na isumbong agad sa kanilang opisina ang anumang natatanggap nilang reklamo.