-- Advertisements --

Ipinagutos ng Korte Suprema sa Philhealth na magbigay ito ng turn around time recorded reimbursement sa loob ng 10 araw ukol sa pagbabayad nito ng mga claims sa mga hospital at doctors.

Ang naturang kautusan ay matapos ipagpatuloy ngayong araw ang oral arguments mula sa pinagsamang petisyon na isinampa nina Senate Minority Leader Koko Pimentel, mga grupo ng 1SAMBAYAN Coalition, at Bayan Muna chairman Neri Colmenares.

Ang nasabing petisyon ay isinampa kasunod ng utos ng Department of Finance (DOF) sa pamamagitan ng isang department circular noong nakaraang taon na maglipat ng P89.9 billion para sa hindi nagamit na pondo ng ahensya papunta sa national treasury.

Bago ito, naglabas ang SC ng Temporary Restraining Order (TRO) upang itigil ang huling bahagi ng paglilipat ng pondo ng PhilHealth noong Oktubre 2024.

Nagsimula ang oral arguments para sa paglilipat ng pondo ng PhilHealth noong Pebrero 4, at layunin nitong matukoy kung ang mga kautusan ng DOF ay legal at naaayon sa 2024 General Appropriations Act (ACT) at sa 1987 Contitutions.