-- Advertisements --

Ipagpapatuloy na ng Philippine Health Insurance Corporation ang pagbabayad ng mga unpaid hospital claims.

Ayon Philhealth Vice President for Corporate Affairs Dr. Shirley Domingo nakikipag-ugnayan na ang kanilang regional offices sa mga ospital para sa kanilang claim’s payment.

Nagsasagawa din sila ng reconciliation meetings at sa katunayan, nagbayad aniya ang Philhealth sa pamamagitan ng Debit-Credit Payment Method (DCPM).

Sa ilalim kasi ng Circular 2021-0004, ginagamit ng Philhealth ang DCPM para mafacilitate ang settlement ng accounts na ibinabayad sa mga healthcare facilities sa kasagsagan ng State of public Health emergency dulot ng Covid19 pandemic.

Nilinaw din ni Domingo na walang isinasagawang imbestigasyon sa mga ospital sa Northern Mindanao.

Aniya, isang Memorandum aof Agreement ang nangyari noon sa pagitan ng regional offices at National Bureau of investigation upang sanayin ang mga regional personnel sa fraud management o investigation.

Binigyang diin din ni Domingo na ang mga ospital na sinuspendi ang hospital payment ay dati na noon pang mga nakalipas na taon ng simulan ng korporasyon ang pag-iimbestiga nito at nasa kabuuang limang ospital lamang sa buong bansa ang revoked.