Aabot na sa halagang ₱1.4 milyon ang kabuuan ng “Z-benefit” package nito para sa mga pasyenteng may breast cancer.
Ito ay matapos na itaas ito ng Philippine Health Insurance Corp. mula sa dating ₱100,000.
Sa isang pahayag, sinabi ng Philhealth , na layon nitong matugunan ang pinansiyal ang pinansyal sa kanilang paggagamot laban sa sakit na breast cancer.
Ito ay sumasaklaw sa mga malalang sakit an nagbibigay ng suporta para sa ospitalisasyon, gamot, pagsusuri, at professional fee ng mga pasyente.
Una ng sinabi ni PhilHealth President Emmanuel Ledesma Jr. ang Ayon kay PhilHealth President Emmanuel Ledesma Jr., ang pagtaas ng benepisyong ito ay bahagi ng 30 porsyentong pagtaas sa lahat ng benepisyo mula sa PhilHealth kasunod ng paglagda nito ng PhilHealth Circular No. 2024-001 noong Enero 29.
Samantala, may ilang sakit na hindi covered ng 30% inflation adjustment.
Ito ay dahil sa mas pinataas pa ang halaga ng benepisyo para rito tulad ng ischemic stroke, hemorrhagic stroke, at coverage para sa high-risk pneumonia.
Dagdag pa ng opisyal na , pinalawak din ng PhilHealth ang bilang ng hemodialysis sessions para sa mga pasyenteng may Stage 5 chronic kidney disease, mula 90 sessions ngayon ay nasa 156 sessions na kada taon.