-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na walang pagtaas sa contribution rate.

Ito ay kahit na walang inilaang subsidiya para sa state health insurer mula sa 2025 national budget.

Ibig sabihin, mananatili sa kasalukuyang 5% ang premium contribution rate.

Kayat ang mga may buwanang salary basis na P10,000 ay mananatili sa P500 ang monthly premium. Para naman sa may buwanang sahod na P10,000 hanggang P99,999.99, ang buwanang contribution ay nasa P500 hanggang P5,000 habang ang mga sumasahod naman ng P100,000 ay P5,000 ang monthly premium.

Samantala, ipinahiwatig din ng state health insurer ang posibilidad ng pagpapababa sa contribution rates dahil mayroon naman aniya itong sapat na reserve funds.

Una ng iniulat ng PhilHealth na mayroon itong surplus na P150 billion reserve funds at halos P489 billion sa investments at iginiit na may matatag itong financial position at kakayahan para maserbisyuhan ang 115 milyong miyembro nito.