Magkakaroon ng dagdag na health benefit packages ang Philhealth at rationalization sa mga current health benefits nito.
Ito ay mas pinalawak at bagong benepisyo para sa mga Pilipino.
Isa sa nabanggit ay ang outpatient mental health package.
Ayon kay PhilHealth Senior Vice President for health finance policy Dr. Israel Francis Pargas hindi na kinakailangan na pumunta ng hospital, dahil maaari ito kahit sa mga local places.
Ito ay benefit plan para sa 2023 at nais nilang maging epektibo ito ngayong taon.
Pangalawa ay ang outpatient package for severe acute malnutrition para sa 5 years old and below.
Nabanggit rin ang rationalization ng covid-19 benefits para sa inpatient packages, RT-PCR, Rapid Antigen at isolation packages.
Sa ngayon ay prioridad ito ng ahensya, at naka depende raw ito sa bagong guidelines.
Sinisiguro raw nila na ang mga benepisyong ito ay para sa best interest ng mga Pilipino.
Kaya naman ngayon raw ay pinapalawig pa, ang PhilHealth Konsulta Package upang mas maging accessible ang kanilang serbisyo tulad ng consultations, health screening at assessment, laboratory test at ang mga available na gamot.