-- Advertisements --
Tinaasan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang nilalaan na benefit package para sa pagpapagamot ng severe dengue, mula P16,000 ay naging P47,000 na ito ngayong buwan.
Ayon sa PhilHealth, ang naging pagtaas ay bahagi ng hakbangin ng korporasyon para sa benefit rationalization na layong maglaan ng “financial risk protection” sa mga Pilipino.
Ang paglalaan ng mataas na benefit package ay kasunod ng pagtaas din ng dengue cases sa bansa dahil sa mga nagdadaang mga bagyo.