-- Advertisements --

Maaaring makapag-avail ng financial assistance para sa gamutan ng mga kababaihang may partikular na sakit na cancer ayon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ay ang Z Benefit packages para sa gynecologic illnesses kabilang ang eary stage breast cancer na nasa stage 0 hanggang stage 3-A kung saan maaaring makapagavail ng P100,000 para sa surgery at chemotherapy at iba pa.

Maaring makakuha din ng PhilHealth benefit package ang mga kababaihang may cervical cancer base sa kanilang treatment options. Nasa kabuuang P125,000 ang nakalaan para sa kanilang kailangang primary surgery o pelvic cobalt radiation na may mababang dose brachytherapy kung saan P175,000 naman para sa pelvic radiation na may linear accelerator at mataas na dosage brachytherapy.

Sa kasalukuyan,lumgda ang Philhealth ng kontrata sa 19 na ospital pra sa naturang breast cancer package at anim na ospital para sa cervical cancer package.

Muling nagpaalala din ang Philhealth sa iba pang mga benepisyo na maaaring maavail ng mga kababaihan para sa mga may gynecological problems.