-- Advertisements --
Kinumpirma ng Palasyo na mayruong Health Package ang Philhealth para sa lahat ng mga miyembro nito na kanilang mapakinabangan sa panahon ng tag init.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na maraming mga sakit ang lumulutang sa panahon ng tag init
Kaya naman saklaw aniya ng coverage package ng philhealth ang mga sakit na ito.
Kabilang aniya rito ang heat stroke, dehydration, typhoid fever, chicken pox o bulutong tubig, at sore eyes.
Sinabi ni Castro, naglalaro sa pitong libong piso hanggang 19 na libong piso ang health package ng philhealth sa mga sakit na ito.
Bahagi aniya ito ng pagtutok ng pamahalaan sa kalusugan ng bawat Pilipino.