Inamin ni Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) President and CEO Mr. Emmanuel Ledesma na mayruon silang utang na P27 billion sa mga hospital sa bansa.
Nangako naman ang Philhealth na kanila itong babayaran sa loob ng 90 days.
Ginawa ni Ledesma ang pag-aamin sa isingawang budget deliberations ng House Appropriations Committee.
Nabunyag din sa budget briefing na naging triple din ang sweldo ng mga Philhealth officials na umabot sa P72 million nuong 2022.
Binatikos naman ni Agri Partylist Rep. Wilbert Lee ang hindi pagbayad ng Philhealth ng kanilang utang sa mga Hospital gayong ang state insurer’s ay mayruong mahigit P400 billion na investible funds at nasa mahigit P68 billion ang net income.
Ayon kay Cong Lee ito ang dahilan kung bakit may mga hospital na ang ayaw tumanggap ng Philhealth payments at hindi na rin nakayanan bayaran ang sahod ng kanilang staff.
Inamin ni Ledesma sa mga mambabatas na mataas ang kanilang cash position kaya tinitingnan din nila ang mga reporma sa kumpanya.
Ibinunyag din ni Ledesma na sinimulan nilang rebisahin ang benefit case packages, bukod sa iba pang mga reporma.
Sa tanong na ang Philhealth ay ililipat sa ilalim ng Office of the President, sinabi ni Ledesma mayruon silang ginagawang review para sa reorganization at sa sandaling maaprubahan ito magkakaroon ng dagdag na personnel mula sa 7,000 employees magiging 10,000 employees na ito.