Mayroong kabuuang 208 billion fund ang PhilHealth para sa health benefits ngayong taon.
Kasama sa health benefits na ito ay ang outpatient mental health package, outpatient for severe acute malnutrition at ang covid-19 benefits para sa inpatient packages, RT-PCR, Rapit Antigen at isolation packages.
Samantala, ayon kay PhilHealth acting Vice president for corporate affairs Rey Baleña, mula January 2020 hanggang February 2023, nagbayad na ang PhilHealth ng mahigit P66 bilyon para sa mga claim sa COVID-19.
Kasama sa PhilHealth benefit package ang mga pagpapaospital ng mga pasyente ng COVID-19 depende sa kalubhaan ng pneumonia, mula P43,997 hanggang P786,384 pesos.
Dagdag pa rito ay ang community isolation na umaabot ng halos 22,449 pesos at home isolation naman na hanggang 5,917 pesos.
Sa kabila nito, nanawagan naman ang PhilHealth ng karagdagang pondo para sa mental health services dahil matatandaan na nitong mga nakaraang buwan lamang ay marami ang naitalang insidente ng karahasan sa mga mag-aaral.
Ayon sa pahayag ni Dr. Albert Domingo, mahalagang bigyang tuon ang mental health, lalong lalo na ng mga kabataan.
Nagkakahalaga umano ng 7,800 pesos ang gastos sa pag gamot sa mga pasyenteng may dementia, bipolar disorder at anxiety disorder.
Sa kasalukuyan raw ng mayroon nang pilot-testing sa mga bagong mental health benefit package.