-- Advertisements --

Muling nagpaalala ang PhilHealth sa mga kumakalat na fixer online na nag-aalok ng serbisyo ng PhilHelath.

Ayon sa statement ng PhilHealth walang bayad ang pagkuha ng PHilHealth ID at member data record (MDR).

Sa ilalim aniya ng bagong batas na “ease of doing business,’ mahigpit na ipinagbabawal ang fixing.

Babala pa ng PhilHealth ang sinumang mahuhuling gumagawa nang panloloko na ginagamit ang pangalan ng ahensiya sa online ay maaring magmulta ng P2 milyon hanggang sa anim na buwan na pagkakakulong.