-- Advertisements --

ILOILO CITY – Binigyan pa ng ikalawang extension ng pitong mga private hospitals sa Western Visayas ang Philippine Health Insurance Inc. (PhilHealth) upang mabayaran ang unpaid claims sa state insurer.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Elmer Pedregosa, presidente sang Private Hospital Assoiation of the Philippines Western Visayas Chapter, sinabi nito na mahigit na sa 50% ang nabayad ng PhilHealth sa unpaid claims sa pitong mga ospital.

Napag-alaman na unang nang nagbanta sa Philhealth mga pribadong ospital sa rehiyon dahil umaabot na sa P895 million ang utang ng nasabing state insurer.

Anya sa Pebrero 28 pa malalaman kung tuluyan nang kakalas o mananatili ang PhilHealth membership ng mga private hospital sa rehiyon.