-- Advertisements --
image 9

Umapela ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na mag-ingat laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa kanilang ahensya.
Ito ay may kaugnayan sa insidente ng hacking sa sistema nila, partikular na ang isyu ng Medusa ransomware.
Ayon sa PhilHealth, hindi umano sila tumigil simula noong Biyernes upang linisin ang mga apektadong workstation at maibalik sa normal, kung kaya nagbabala ito sa ilang sektor at grupo na tigilan na ang misleading information na nagdudulot ng kawalang tiwala ng mga miyembro nito at ng publiko.
Maging sila umano ay nagiging target din ng fake news na sila ang naging daan para mangyari ang hacking, bagay na hindi naman nakitaan ng anumang basehan.
Pagtitiyak ng mga opisyal nito, ligtas at hindi naapektuhan ang claims at membership data na kanilang pinoproseso.
Ngayong linngo ay bumalik na ang access sa tatlong sistema ng PhilHealth, kagaya ng corporate website, member portal at e-claims.
Hangad ng government health insurer na mapanagot ang hackers at maging ang naninira sa kanilang ahensya.