-- Advertisements --
Muling nagpa-alala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na iwasan na makipag-usap sa mga fixers.
Nakarating sa kanilang tanggapan na may mga nag-aalok ng bayad para mga indibidwal na makakuha ng identification card ng PHILHEALTH at Member Data Record (MDR).
Paalala ng ahensiya na libre at walang anuman silang sinisingil para makakuha ng nasabing mga ID at MDR.
Nagpaalala ang mga ito na agad na isumbong sa kanilang tanggapan ang sinumang naniningil ng PHILHEALTH ID at MDR.